NDRRMC: Naging maayos, mabilis ang pagpapadala ng alert messages kaugnay ng bagyong Tisoy 

Ipinagmalaki ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naging maayos at mabilis ang pagpapadala ng alert messages sa subscribers ng mobile networks para magbigay ng babala hinggil sa pananalasa ng bagyong Tisoy.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, bagama’t may ilang segundong delay ay naging epektibo naman ang kanilang mobile alert system.

Patuloy aniya silang bumabalangkas ng mga stratehiya para paigtingin ang paggamit sa mga makabagong teknolohiya ukol sa disaster preparedness.

NDRRMC

Ipinagmalaki ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na naging maayos at mabilis ang pagpapadala ng alert messages sa subscribers ng mobile networks para magbigay ng babala hinggil sa pananalasa ng bagyong Tisoy. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, bagama’t may ilang segundong delay ay naging epektibo naman ang kanilang mobile alert system. | via Hajji Pantua Kaamiño www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, 2 December 2019

Humingi rin ng pasensya ang opisyal sa publiko, lalo na sa mga nakukulitan sa maya’t mayang alert message na natatanggap sa mobile devices.

Bahagi lang aniya ng mandato ng NDRRMC, na magbigay ng babala at tiyaking ligtas ang publiko mula sa banta ng bagyo.