NCRPO, nakikiisa sa paggunita ng Eid’l Adha

 

Nagpahayag ng pakikiisa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa paggunita ng mga kapatid nating Muslim sa Eid’l Adha o “feast of sacrifice”.

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar, naging mapayapa ang mga isinagawang pagtitipon ng mga Muslim kahapon kaugnay ng naturang okasyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Eleazar na nananatiling alerto ang NCRPO ngayong araw na ito, na isang holiday.

Dahil holiday ngayong araw, sinabi ni Eleazar na inaasahan nilang magdadagsaan ang mga mamamayan sa mga mall at iba pang pasyalan.

Kaya nagpakalat aniya siya ng sapat na pwersa para tutukan ang seguridad sa mga pampublikong lugar na pwedeng atakahin ng mga masasamang loob.

Samantala, ipagdiriwang naman ng NCRPO bukas ang kanilang 118 Police Service Anniversary sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, na inaasahang dadaluhan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.