NCRPO, ginawaran ng Pangulong Duterte ng special award sa kampanya kontra droga sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Police Service

Ginawaran ng Pangulong Rodrigo Duterte ng Special Award ang NCRPO para sa “most notable accomplishment” sa kampanya kontra droga, sa pagdiriwang kahapon ng ika-117 anibersaryo ng Police Service sa Camp Crame.

Ang award ay tinanggap ni NCRPO Director Guillermo Eleazar. Kabilang din sa mga Philippine National Police (PNP) units na tumanggap ng special awards ay ang Counter Intelligence Task Force sa pangunguna ni Police Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., na ginawaran ng Special Unit Award on Intelligence-Driven lnternal Cleansing; Police Regional Office 3 sa pangunguna ni PRO 3 Director Police Chief Supt. Amador V Corpus, na ginawaran ng special unit award for exemplary accomplishment in the solution of sensational criminal case; Police Regional Office 12 sa pangunguna ni Regional Director Police Chief Supt. Marcelo C Morales, na ginawaran ng special unit award for the most notable accomplishment in campaign against terrorism.

Ang Pangulo ay inasistehan ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde sa pagpaparangal sa mga natatanging unit at indibidwal ng PNP na kinilala dahil sa kanilang natatanging pagseserbisyo. | ulat ni Leo Sarne