NCR Plus, naipamahagi na ang higit P21-B ayuda sa mga benepisyaryo — DILG

Aabot sa 91 percent o P21.06 billion ang naipamahaging
ayuda ng pamahalaan, sa mga low-income earner sa National Capital Region (NCR) Plus hanggang sa itinakdang deadline noong May 15.

Sa ulat ng Department of the Interior and Local Government (DILG), 37 local government units ang nakaabot ng 100 percent completion rate.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, karamihan sa mga lokal na pamahalaan ay nakapagrehistro ng 90 percent completion rate ng pamamahagi ng ayuda, sa gitna ng hamon ng pandemya.

Paliwanag pa ng kalihim, na ang natitirang 9 percent ay mga unclaimed cash at ipinaubaya na sa mga lokal na pamahalaan, na ibigay sa iba pang affected individuals sa loob ng sampung araw.

Base sa tala, ang Bulacan ang nakapagtala ng highest completion rate na 96.85 percent, habang ang Laguna ay nakamit ang 96.50 percent.

Samantala, ang Rizal ay nakapagtala ng 93.34 percent, NCR 90.99 percent, at Cavite na nakapagtala ng 86.04 percent completion rate.