NCR+ bubble, ipasasailaim sa GCQ with heightened restrictions hanggang May 31, 2021

Ipapasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang National Capital Region (NCR) Plus Bubble, hanggang May 31, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque sa ilalim ng GCQ with heightend restrictions, tanging ang mga essential travel papasok at palabas ng NCR+ lamang ang papayagan.

Ang public transportation ay mananatiling operational alinsunod pa rin sa capacities at protocols na itinakda ng Department of Transportation.

“Public transportation shall remain operational at such capacities and protocols in accordance with the Department of Transportation guidelines while the use of active transportation shall be promoted,” ani Secretary Roque.

Ang indoor dine-in services sa NCR+ ay maaari na sa 20% venue o seating capacity, habang ang outdoor o al fresco dining ay maaari na up to 50% capacity.

Ang outdoor tourist attractions sa NCR+ bubble, ay papayagan nang buksan sa 30% capacity, ngunit dapat ay matiyak ang mahigpit na nasusunod ng minimum health standard.

“Further allowed in the NCR Plus are specialized markets of the Department of Tourism (DOT) following the minimum public health standards and implementation of protocols and restrictions as set by the DOT,” dagdag pa ni Roque.

Ang religious gatherings at necrological services, burol, at funeral para sa mga hindi nasawi dahil sa COVID-19 ay papayagan, ngunit 10% lamang ng venue capacity.

Papayagan rin sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions ang non-contact sports sa outdoor contact sports, games. At maging ang personal care services na hindi kailangang tanggalin ang face mask ng mga kliyente, tulad ng beauty salons, parlors, beauty clinics, etc. ay 30% venue capacity.

“Meanwhile, entertainment venues, such as bars, concert halls, theaters, etc; recreational venues, such as internet cafes, billiards halls, arcades, etc; amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts and venues and indoor tourist attractions; venues for meetings, conferences, exhibitions shall not be allowed in GCQ areas with heightened restrictions,” babala ni Secretary Roque.

Habang bawal pa rin ang Interzonal travel mula sa NCR Plus areas, maliban na lamang kung APOR, ani Roque.

Samantala, ang City of Santiago at Quirino ay mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang May 31. Kabilang rin dito ang Ifugao at Zamboanga City, aniya.

“GCQ status from May 15 to 31, 2021, are areas under the Cordillera Administrative Region, such as Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province and Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya in Region 2; Batangas and Quezon in Region 4-A; Puerto Princesa in Region 4-B; Iligan City in Region 10; Davao City in Region 11; and Lanao del Sur in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” dagdag pa ni Roque.