NCR+ areas, posibleng mapasailalim sa normal na GCQ pagkalipas ng June 15

Posibleng mapasailalim na sa normal na general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal o NCR Plus bubble, pagkatapos ng June 15.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ay base na rin sa mga datos na ipinapakita sa kasalukuyan.

Aniya, nananatili rin na mababa ang hospital care utlization rate sa National Capital Region (NCR), na isa sa mga importanteng factor o batayan sa pagtukoy ng iiral na community quarantine sa isang lugar.

Dahil nasa GCQ with heightened restriction aniya ang NCR Plus sa kasalukuyan, maaaring ibaba na ito sa normal na GCQ.

Kaugnay naman sa mga lugar na nasa modified community quarantine (MECQ), ayon kay Secretary Roque, hindi pa niya nakikita ang datos ng mga lugar na ito. Habang patuloy naman aniya na nakabantay ang pamahalan sa COVID situation sa bansa.

Gayunpaman, tiniyak ng kalihim na ano man ang maging desisyon ng Inter Agency Task Force na irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte, palagi namang data driven ang mga resolusyong ito.