Nawawalang sasakyan ng pinatay na babaeng Grab driver, natagpuan na

Natagpuan na ang nawawalang sasakyan ng napatay na babaeng Grab driver na si Maria Cristina Palanca.

Sa ulat ni Cainta Police chief Police Col. Alvin Consolacion, na nakarating sa Camp Crame, alas-11 kagabi, natagpuan ang itim na Toyota Avanza ni Palanca sa Lucena, Quezon.

Ayon kay Consolacion, isinangla ito ng suspek sa pagpatay kay Palanca na si Paolo Largado sa isang kakilala nito doon.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, na matapos maghatid ng pasahero noong Huwebes, Mayo 23, nagtungo si Palanca sa condominium unit ni Largado sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Matatandaan na alas-4 ng hapon nitong Linggo, natagpuan ang bangkay ni Palanca sa ilalim ng lababo sa condominium unit ni Largado.

Inaalam pa ng nga awtoridad kung ano ang relasyon ni Palanca kay Largado. | ulat ni Leo Sarne