Nagpahayag ng pagkabahala ang lokal na pamahalaan ng Navotas, ito ay matapos muling tumaas ang bilang ng mga nahahawa ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, nakapagtala ng 20 nagpositibo ang lungsod kahapon, dahilan upang muling umakyat sa 112 ang bilang ng aktibong kaso o 1% ng kabuuang kumpirmadong kaso sa lungsod.
Aniya, kagaya ang nasabing pagtaas ng naging sitwasyon ng lungsod noong nakaraang Marso kung saan unti-unti anyang tumaas sa simula at kalauna’y biglang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.
Kaugnay nito ay paalala ni Tiangco sa publiko na mag-ingat at sumunod sa health protocols upang maiwasan ang COVID-19 at hindi masayang ang mahigit isang taon na paghihirap at sakripisyo ng lahat.