Navotas City, nakatanggap na ng karagdagang suplay ng COVID vaccine

Inanunsyo na ng City government ng Navotas na magpapatuloy ang vaccination sa mga nasa A4 o essential workers sa lungsod.

Ayon kay Navotas City Mayor Tobi Tiangco, dumating na ang karagdagang suplay ng CoronaVac at Sputnik V mula sa Department of Health.

Ang Pfizer na donasyon ng Covax ay ibibigay naman sa A1 ,A2,A3 at A5 priority groups.

Pinayuhan din ang mga 4Ps beneficiaries na makipag-ugnayan sa kani-kanilang  citylink para sa schedule ng pagbabakuna.

Nilinaw pa ng alkalde na mga residente at nagtatrabaho lamang sa lungsod ang bibigyan ng bakuna.Kailangang magdala ng proof of residency o proof of work sa pagpunta sa vaccination sites.