Navotas Centennial Park, pansamantalang gagamitin bilang community isolation facility

Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Navotas na pansamantala munang gagamitin ang Navotas Centennial Park sa C-4 Road-10 bilang ikatlong community isolation facility (CIF-3).

Papasinayaan ngayong araw ang nasabing pasilidad upang agad na magamit ng mga pasyente ng lungsod.

Ang isolation facility ay may 50 container vans at 200 kwarto na itinayo sa pakikipagtulungan ng Navotas local government (LGU) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kumpleto ang bawat kwarto ng kama, banyo, aircon, at WiFi upang maging komportable ang mga pasyente.

Kaugnay nito ay umapela ang lokal na pamahalaan na huwag na pangarapin na masubukan ang nasabing pasilidad dahil mas mainam aniya kung hindi na ito magagamit dahil wala ng madadagdag na nahawaan ng virus.

Pinaaalalahanan rin ang publiko na patuloy na mag-ingat at sundin ang mga health protocols upang maiwasan ang nakamamatay na sakit.

Photos from Navotas LGU