Natitirang mga batang nasagip sa Talaingod, nakabalik na sa kani-kanilang pamilya – DSWD

Nakabalik na sa kanilang pamilya noong isang linggo ang dalawang natitirang bata na kasama sa 14 na nasagip sa Talaingod, Davao del Norte at inilagay sa ilalim ng “temporary custody” sa ‘Home for the Aged’ sa Tabuk City.

Ito ang kinumpirma ng Departmemt of Social Welfare and Development (DSWD)-Field Office XI makaaraang matanggap ang Parental Capability Assessment Report (PCAR) mula sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Talaingod.

Ayon sa ulat, ginanap ang isang ‘discharge conference’ na dinaluhan ng mga social worker ng center, MSWDO, Provincial Social Welfare & Development Office, at Philippine National Police-Davao del Norte-Women and Children Protection Desk, at tinukoy ang mga kapamilya na mangangalaga sa mga bata.

Isa sa mga bata ay naturn-over sa kanyang ina, habang ang isa ay ipinagkatiwala sa lolo.

Ayon sa DSWD, patuloy nilang ia-update ang publiko sa mahahalagang developments hinggil sa kalagayan ng mga bata.

Maalalang nakulong sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at kanilang mga kasamahan dahil sa umano’y pagdukot sa 14 na menor de edad na Lumad sa Talaingod, Davao del Norte nitong Nobyembre 28. | ulat ni Ched Oliva