Natitirang bahagi ng Hacienda Luisita sa ilalim ng Agrarian Reform Program ng pamahalaan, naipamahagi na

 

Naipamahagi na ng pamahalaan ang natitirang bahagi ng Hacienda Luisita na pasok sa ilalim ng Land Reform Program ng gobyerno.

Sa ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng Department of Agrarian Reform (DAR), pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng land titles ng nasa 112 ektaryang lupain.

Ayon kay DAR Secretary Jon Castriciones,
kabilang ito sa higit 87,000 ektarya ng lupain na ipinamahagi ng pamahalaan sa Agrarian beneficiaries.

Ito na aniya ang kukumpleto sa distribusyon ng mga lupang bahagi ng Hacienda Luisita.

Sa naging talumpati naman ng Pangulo kaugnay dito, tiniyak nito na magpapatuloy ang administrasyon sa pagsusulong ng ganap na implementasyon ng CARP.

Naniniwala si Pangulong Duterte na ang pagpapalakas ng sektor ng mga magsasaka ay isang daan para sa patuloy na pag-unlad ng rural economies, na siya namang ambag sa pagsulongĀ ng bansa.