National Press Club, nagpahatid ng tulong sa mga media workers

Sinagot ng ilang opisyal ng gobyerno at mga lifetime member ng  National Press Club o NPC  sa kanilang panawagan upang tulungan ang mga apektadong kapwa media sa  nararanasang krisis ngayon sa bansa dulot ng Covid-19 pandemic.

Ayon ka y NPC Vice President Paul Gutierrez, nasa 600 bags na may lamang apat na tig 5 kilos na  bigas ang ipinadala nina PCOO Sec.Martin Andanar at ni PTFoMs Usec.Joel Egco sa NPC.

Ito  ay ipinamamahagi naman ngayon ng NPC sa mga miyembro nito mula sa ibat-ibang mga press club.

Sa ngayon ay nasa 236 bags na ang naipamamahagi ng NPC habang 10 sako na tig 50 kilos naman ang naibigay na rin sa bawat press corps upang makatikim  naman ang mga media na hindi miyembro ng NPC.

Dagdag pa ni Gutierrez, target nilang magkaroon pa ng second round at kung hahaba pa ang ECQ ay maari pa itong umabot ng pangatlong bagsak.

Giangarantiya din ni Gutierrez na basta may  available na bigas  ay magkakaroon ang mga miyembro nito.

Pinasalamatan naman ng buong pamunuan ng NPC ang mabilis  na pagtugon ng nasabing mga opisyales sa panahon ng enhanced community quarantine.

Ayon kay Gutierrez, malaking tulong na rin ang ipinagkaloob na bigas ng nasabing mga opisyal lalu na ngayon na karamihan sa mga miyembro ng media ay hindi mga regular at karamihan ay wala rin namang sinusweldo .

Samantala, magsasagawa  din ng street feeding ang NPC sa mga kumunidad dahil higit umanong ramdam ng mga ito ang hirap ngayon na makabili o makahanap ng kanilang makakain