Nasibak na Hepe ng Kalookan PNP, minalas lang — PNP Chief

Ipinagtanggol ng Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang nasibak na hepe ng Kalookan PNP na si Senior Superintendent Jemar Modequillo.

Ayon kay Dela Rosa, magaling na pulis si Modequillo kaya lang ay minalas itong hindi nasolusyonan ang mga nagaganap na patayan sa lungsod.

Ayon sa PNP Chief, posibleng hindi rin magtagal sa pwesto ang ipinalit kay Modequillo na si Superintendent Restituto Arcangel kung hindi nito mapapatigil ang serye ng patayan ng mga drug personalities sa lungsod.

Matataandan na bago si Modequillo, una ng sinibak bilang hepe ng Caloocan si Senior Superintendent Chito Bersaluna noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Dela Rosa, mayroon silang scorecard ng mga napapatay sa Caloocan at kung aabot ang bilang na ito sa alarming level ay buwan o linggo lamang ang aabutin ng bagong upong opisyal.

Isinisi naman ni Dela Rosa ang patayan sa Kalookan sa isang grupo na mahilig pumatay ng mga drug addict upang palabasin na ito ay kagagawan ng mga pulis. | via Leo Sarne