Nasa Pangulo ang desisyon kung magdedeklara ng Christmas ceasefire sa NPA — AFP

Nasa Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon kung magdedeklara ng Christmas ceasefire sa New People’s Army (NPA).

Ito ang binigyang-diin ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo.

Pero kung ang militar aniya ang tatanungin, sang-ayon sila sa posisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na huwag magrekomenda ng Suspension of Military Operations (SOMO) sa CPP/NPA ngayong Kapaskuhan.

Paliwanag ni Arevalo, magbibigay lang ito ng pagkakataon sa mga komunista para makapagpalakas ng pwersa.

Naging experyensya na rin aniya ng AFP na sa kabila ng SOMO, patuloy pa rin ang NPA sa kanilang mga terroristic at criminal activities.

Patunay lang aniya ito na hindi sinsero ang NPA, at hindi “worth it” ang isang ceasefire.  | ulat ni Leo Sarne