Nasa 3.4 million doses ng COVID vaccine, darating ngayong June

Nasa 3.4 million doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahan ng pamahalaan, na matatanggap ng Pilipinas sa buwan ng June.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa June 6, nasa isang milyong doses ng Sinovac ang darating sa bansa. Ang batch na ito ay kabahagi ng 4.6 million doses, na una nang binili ng Pilipinas mula sa nabanggit na Chinese pharmaceutical company.

Sa June 7, nasa 1.3 million doses naman ng Pfizer ang darating sa bansa. Bukod pa ito sa 900, 000 doses na matatanggap rin ng Pilipinas sa June 11.

Habang sa June 21, inaasahan na rin ang pagdating sa Pilipinas ng 200,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa Moderna.

Kaugnay nito, binanggit ni Secretary Roque ang napipintong pagbabakuna sa A4 priority group ngayong June. Kabilang na dito ang mga nasa pribadong kumpanya, informal sector, at self employed, na kailangang lumabas ng tahanan o physically ay mag-report sa trabaho.

Kabilang rin dito ang government employees, maging mga kawani ng Government Owned and Control Corporations (GOCCs).