Napipintong pagsibak sa umano’y ilang miyembro ng gabinete, prerogatibo ng Pangulo ayon sa Palasyo

Prerogatibo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung mayroon man itong tanggaling opisyal ng pamahalaan kasama na ang sinumang miyembro ng gabinete.

Ito ang pahayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa gitna ng ulat na may napipintong cabinet revamp bunsod ng umano’y ilang mga underperforming cabinet members.

Ayon kay Andanar, lahat sila ay posibleng masibak sa posisyon kung mayroon talagang balasahang mangyayari sa hanay ng mga miyembro ng gabinete.

Kinumpirma naman ng kalihim na naroroon siya nang mabuksan ang usapin na nagmula sa tanong ng isang kolumnista na bisita noong isang linggo ng Pangulo sa Palasyo.

Wala namang nabanggit aniya ang Pangulo sa kung sino-sino ang masisibak at ang mabuti na lang aniya nilang gawin bilang cabinet members ay gawin lang ng tuluy-tuloy ang responsibilidad at dagdagan ang sipag sa trabaho. | via Alvin Baltazar