Napaulat na foreign terrorists sa Mindanao, hinahanap ng militar

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi pa nila makumpirma sa ngayon ang mga report na may mga pumasok na bagong foreign terrorists sa bansa sa pamamagitan ng “back door”.

Pinaghahanap ngayon ng militar ang napaulat na foreign terrorists sa bansa upang makumpirma kung totoo ang mga ulat.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi pa nila makumpirma sa ngayon ang mga report na may mga pumasok na bagong foreign terrorists sa bansa sa pamamagitan ng “back door”.

Pero pinalakas na aniya ng militar ang kanilang intelligence gathering efforts upang mahadlangan ang anumang terrorist threat sa lugar.

Sa ngayon aniya, ang masisiguro nila ay may home-grown terrorists pa rin sa Mindanao.

Ito aniya ang dahilan kung bakit inirekomenda ng military-defense establishment sa Pangulo ang pagpapalawig ng Martial law sa Mindanao ng isa pang taon.

Babala ng kalihim, nananatiling mataas ang banta mula sa DAESH-ISIS terrorists sa Mindanao, sa gitna ng mga ulat na aktibong nagrerecruit ang mga ito ng mga bagong miyembro. | via Leo Sarne