Nangyaring gusot sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait, naayos na ng Pangulong Duterte — Palasyo

Naayos na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang gusot na namagitan sa Kuwait at ng Pilipinas na nag-ugat sa viral video ng ginawang pagtulong sa mga OFW na humingi ng saklolo sa embahada.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa isinagawang pulong balitaan sa Palasyo.

Ayon kay Roque, friendly at personal ang naging approach ng Pangulo sa pakikipag-usap sa ambassador ng Kuwait na nakapulong niya kagabi sa Davao.

Misunderstanding o hindi pagkakaintindihan ang nangyari ani Roque na naplantsa naman ng maayos at sa katunayan, naghiwalay ng maayos ang Pangulo at ang ambassador na naging cordial ang naging pag-uusap.

Paglalarawan ni Roque, maikukunsiderang minor lamang ang hindi pagkakaintindihan. | via Alvin Baltazar