Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangungunang kumpanya ng langis sa Russia na maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Ginawa ng Pangulo ang paghikayat sa ginawang pakikipag-usap sa Chief Executive ng Rosneft Oil Co. na si Igor Sechin.

Sa harap ng Chief Executive ng Rosneft at ng mga opisyles nito, ay tiniyak ng Pangulong Duterte na ligtas ang kanilang ipupuhunan sa bansa at walang anomang magiging puwang ang korapsiyon sa kanilang gagawing pamumuhunan.

Tiniyak din ng Punong Ehekutibo na anomang gagawing agreement sa paglalagak nila ng negosyo sa Pilipinas ay daraan sa tamang proseso at hindi mapapasukan ng anomang iregularidad o katiwalian.
Ilan sa mga miyembro ng gabinete na kasama sa naganap na pag-uusap ay sina Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin Jr., Executive Secretary Salvador Medialdea, Finance Secretary Carlos Dominguez, Energy Secretary Alfonso Cusi, Senator Christopher Lawrence “Bong” Go at iba.