Nakumpiskang mga paputok ng Customs, winasak

Para maiwasan ang hindi inaasahang pagsabog sa bodega, sinira na ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Davao, Sasa Wharf, Davao City ang tinatayang 1,000 mga paputok.

Nakumpiska ng BOC Port of Davao, Philippine National Police (PNP) at Davao City Explosive Ordnance and Canine (EODK9) Unit ang mga paputok na natukoy na iligal ang importasyon.

Ayon kay BOC Port of Davao District Collector, Atty. Erastus Sandino Austria, ang mga firecracker na ipinuslit sa lokal na pamilihan ay magdudulot ng panganib sa mga komunidad.

Maaari rin aniyang habang nasa bodega ang mga nasamsam na firecrackers ay pumutok at magdulot ng matinding pagsabog.

Sa imbestigasyon, ang nasamsam na paputok ay unang idineklarang cleaning balls, plastic craft, flashlights, at plastic coverings.

Photo courtesy of Bureau of Customs