Naiturok na COVID vaccine sa Quezon City, higit 1.5 million doses na

Umabot na sa 1,527,146 doses ng bakuna ang naiturok na sa vaccination program ng Quezon City.

Sa kabuuan, nasa 934,621 o katumbas ng 54.98 % ng 1.7 million ng target population ang nabakunahan na ng first dose sa kabila ng limitadong suplay ng COVID-19 vaccine.

Nasa 529,525 o 36.27 % na rin ang mga nakatanggap ng second dose

Kaugnay nito, hinihikayat pa ng LGU ang iba pang mamamayan nito na magparehistro para maisama sa iskedyul ng pagbabakuna.

Mahalaga aniya ito bilang proteksyon lalo pa at nakapasok na ang Delta variant sa bansa.