Naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Metro-Manila bawat araw, bumaba ng 1,023 ayon sa OCTA Research Team

Bumaba ng 23% ang average daily COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) sa nakalipas na linggo.

Ayon sa OCTA Research Group, bumaba ng 1,023 ang mga kaso sa Metro Manila mula May 20 hanggang May 26 ngayong taon, na may average daily attack rate na 7.41%.

Bumaba din ng 10% ang positivity rate sa NCR mula May 19 hanggang May 25 na bahagyang mataas kumpara sa target na 5%.

Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpo-positibo sa COVID-19.

Nakapagtala din ng .52% na reproduction number o bilis ng hawaan ng virus ang NCR sa nakalipas na linggo.

Nauna ng inanunsyo ng OCTA Research na ibinaba na sa moderate risk ang NCR mula sa dating “high-risk.”

Samantala, umabot na rin sa 42% ang health care utilization rate sa NCR, habang nasa 57% naman ang ICU occupancy rate sa Metro Manila.