Naitalang nakaranas ng adverse events mula sa COVID vaccination program ng pamahalaan, nasa 3% lamang ayon sa vaccine expert

Halos nasa 3% lamang ang naitalang adverse event o mga nakaranas ng side effect makaraang maturukan ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa briefing sa MalacaƱan, sinabi ni Dr. Lulu Bravo na underreported pa ang bilang na ito, dahil ang ilang nabakunahan ay takot i-report o tumungo sa mga ospital sa oras na makaramdam ng sintomas, sa pag-aakalang, sasabihan sila na mayroong COVID-19.

Ayon kay Dr Bravo, ang ilang naranasang adverse event mula sa mga indibidwal na naturukan ng Sinovac vaccines ay pagtaas ng blood pressure. Habang fever, chills, o pagkapagod naman ang naranasan ng ilang naturukan ng AstraZeneca at Pfizer vaccines.

Aniya, hindi dapat matakot ang sinuman na tumungo sa mga ospital, upang angkop na matugunan ang kanilang mga nararamdamang side effect, lalo’t nagagamot naman ang mga ito.

Binigyang diin ni Dr. Bravo na hindi naman nagiging sanhi ng pagkakaroon ng COVID-19, ang pagpapaturok ng bakuna.