Naitalang kaso ng COVID-19 ngayong araw pumalo sa mahigit 5,000

Sa pinakahuling bulletin ng Department of Health ay umabot sa 5,204 ang naitalang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 ngayong Lunes.

Mas mababa ito kumpara sa 5,916 na naitala kahapon.

Bukod dito ay bumaba rin sa 49,128 ang bilang ng mga nagpapagaling pa sa sakit, o nasa aktibong kaso, makaraang makapagtala ng 5,811 na mga recoveries o gumaling ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa naitalang 6,127 na mga gumaling kahapon.

Samantala, umakyat naman sa 26,015 ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay dahil sa COVID pandemic.

Ito’y makaraang madagdagan ng 100 ang bilang ng mga namatay ngayong araw.

Mas mababa ito kumpara sa bilang ng mga nasawi kahapon na 105.

Sa kabuuan, ay umabot na sa 1,478,061 ang tinamaan ng COVID-19 sa buong Pilipinas.