NAIA, sinuspinde ang ground operation

Pansamantalang sinuspinde ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ground operation kasunod ng red lightning alert na inilabas ng PAGASA sa paliparan.

Ala-1:29 ng tanghali ay naglabas ng advisory ang PAGASA dahilan para suspIndihin ang ground operation upang maiwasan ang anumang untoward incident sa paliparan.

Matatandaang namatay ang isang empleyado ng airport na tinamaan ng kidlat sa tarmac ng Terminal 3 sa gitna ng isang thunderstorm nitong nakalipas na taong 2014.