Nahuling foreign terrorist leader, nagri-recruit ng mga ISIS members sa bansa – PNP Chief

Ayon kay Dela Rosa, base sa impormasyon mula sa foreign intelligence agencies na nag-alerto sa local authorities sa presensya sa bansa ng suspek, si Lassoued ay former ISIS commander sa Syrian-Turkish border.

Nagri-recruit ng ISIS members sa Pilipinas ang nahuling foreign terrorist leader sa joint AFP-PNP operation sa M. Adriatico, Ermita, Maynila kahapon.

Ito ang ibinunyag ni PNP Chief PDG Ronald ‘Bato’ dela Rosa matapos iprisinta sa media ngayong umaga ang suspek na si Fehmi Lassoued alias John Rasheed Lassqoued, isang Egyptian National na may pekeng Tunisian passport.

Ang suspek ay nahuli sa isang search operation kasama ang kanyang Pilipinang girlfriend na may assorted firearms and ammunition at mga materyales na panggawa ng improvised explosive device.

Ayon kay Dela Rosa, base sa impormasyon mula sa foreign intelligence agencies na nag-alerto sa local authorities sa presensya sa bansa ng suspek, si Lassoued ay former ISIS commander sa Syrian-Turkish border.

Dati aniya itong nagsilbing negosyador sa pagitan ng ISIS at mga lokal na opisyal sa Syria at Turkey, na ngayon ay nasa Pilipinas bilang recruitment officer ng ISIS.

Hindi naman masabi ni Dela Rosa kung ilan na ang na-recruit ni Lassoued, pero malamang aniya ay mayroon nang na-recruit ito na mga radicalized na kabataan.

Batay aniya sa travel records, dumating sa bansa ang suspek noong July 26, 2016 mula Kuala Lumpur, Malaysia; lumipad patungong Istanbul, Turkey noong August 22, 2016; bumalik ng Maynila noong August 24, 2016; lumipad uli patungong Kuala, Lumpur noong July 18, 2017; at bumalik uli sa Manila noong November 9, 2017. | via Leo Sarne