Nagpakalat ng fake news na nationwide lockdown, kailangang i- disinfect

Bumuwelta na rin si Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga pasimuno ng kumalat na fake news na nagsasabing nakatakdang mag-anunsiyo ang MalacaƱang ng nationwide lockdown.

Sabi ni Medialdea, kailangang ma-disinfect ang mga nagpakalat ng naturang maling impormasyon.

Mas mabilis aniyang gumagalaw ang mga nagpapakalat ng fake news kung ikukumpara sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19).

Mas tila nangangamba ani Medialdea, ang coronavirus na ang tingin ngayon sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon ay kanilang kakumpitensiya.

Una nang pinabulaanan kapwa nina Senador Bong Go at Chief Legal Counsel Salvador Panelo, ang kumalat na fake news na nagsasabing pati mga palengke ay magsasara dahil sa ikakasang nationwide lockdown, at pinapayuhan ang lahat na mag-imbak na ng kanilang pagkain na tatagal ng dalawang linggo.