Nadine Lustre, naglunsad ng bagong makeup line; at K-Pop group na BTS, wagi sa 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards

Animo’y sariling baby kung ituring ni Nadine Lustre ang bagong lunsad nitong cosmetic line.

Excited na ipinakilala ni Nadine ang 12 piece makeup collection nito na tinawag niyang Lustrous sa kolaborasyon ng Australian brand na BYS cosmetics.

Ipinagmalaki din ng aktres ang pagiging hands on sa pagpili ng shades ng make up na perfect daw for the beach.

Sa ibang balita, wagi sa katatapos lang na 2018 Nickelodeon Kids’ Choice Awards ang Korean boy band na BTS.

Nasungkit ng K-Pop band ang Favorite Global Music Star award at naungusan ang iba pang kilalang performers gaya nina Taylor Swift, Zara Larsson, Black Coffee, Lorde, The Vamps at Maluma. | via Eunice Garcia-Langcauon