Mungkahing ipagpaliban ang 2022 elections dahil sa COVID-19 pandemic, labag sa konstitusyon

Iginiit ng mga Senador, na labag sa konstitusyon ang mungkahing lumutang na ipagpaliban ang 2022 elections.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, ang pagkansela o pagpapaliban ng halalan upang mapalawig lang ang termino ng presidente, bise presidente, mga senador, kongresista, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng lagpas sa June 30, 2022, ay malinaw na paglabag sa konstitusyon.

Malinaw aniyang nakasaad dito, na ang petsa ng halalan para sa pangulo at pangalawang pangulo ay tuwing 2nd Monday ng May kada anim na taon, habang ang para sa mga miyembro ng kongreso at LGU officials – maliban sa barangay level ay tuwing ikalawang Lunes ng May kada tatlong taon.

Isinasaad rin aniya ng konstitusyon, na maliban sa mga barangay official, magsisimula at matatapos ang termino ng mga halal na opisyal tuwing June 30 ng isang election year.

Dahil dito, sinabi ni Lacson, na maging ang mungkahi ng Commission on Elections (Comelec) na i-extend ng isa hanggang dalawang araw ang May 2022 elections ay maaari ring maharap sa isang constitutional challenge sa Supreme Court.

Sinang-ayunan naman ito ni Senate President Vicente Sotto IIIā€¦

Giit ni Sotto, malinaw ang tenure ng mga elected official kaya maaaring maging isyu pa kung sino ang magtutuloy ng kanilang tungkulin o sino ang mag-aappoint ng kanilang mga kapalit.