Muling paghaba ng pila sa MRT-3, nilinaw ng pamunuan nito

Nilinaw ng Metro Rail Transit-3 management na bagama’t naibalik na sa 18 ang operational na tren sa mainline, nananatili sa 15 ang pinapatakbong tren tuwing rush hours.

Ito ang paliwanag ng pamunuan ng MRT- 3 sa reklamo ng mga commuter sa paghaba muli ng pila sa mga train station.

Ayon kay Aly Narvaez, tagapagsalita ng MRT-3, sa ilalim ng phase 1 ng Train Restoration and Commissioning Program, target muna na i-sustain na makapagpabiyahe ng 15 tren.

Kinakailangan aniya na magkaroon ng buffer o spare trains para sa remedial measures sakaling magkaroon ng problema ang isa sa mga tren.

Paliwanag pa ni Narvaez na madalas ay mas malaking perwisyo at delay sa operasyon ang naidudulot kapag may tinatanggal na depektibong tren na hindi napapalitan.

Target ng MRT-3 management na makapag-akyat pa ng 20 trains sa phase 2 at sa pagpasok ng bagong rehabilitation and maintenance service provider. | via Rey Ferrer