Muling pagbuhay sa kaso ni Trillanes, hindi mahuhulog sa double jeopardy ayon sa Palasyo

Hindi mahuhulog sa double jeopardy ang muling pagbuhay sa mga kaso ni Senador Antonio Trillanes na may kaugnayan sa mutiny.

Kasunod ito ng inisyung Proclamation No. 572 na nagpapawalambisa sa amnesty ni Trillanes, dahilan upang isalang ito sa court martial.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malayong magkaroon ng double jeopardy gayung wala pa namang pagdinig sa merito ng kaso at wala pa din namang desisyon kung guilty ba o inosente sa akusasyon ang mambabatas.

Ang gagawin ngayon sabi ni Roque ay kailangang mai-refile ang lahat sa harap ng gagawing pagbuhay ngayon sa kaso ng senador sa bisa ng Proclamation No. 572.

Dagdag pa ni Roque na ang kailangan ngayon ay determinasyon upang ituloy ang kaso at sa huli ay makapagpalabas ng warrant of arrest ang korte. | ulat  ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: Office of the Presidential Spokesperson