MSU-Iligan, pinakabagong  unibersidad sa Pilipinas na pasok sa Asia’s Top 500 university – CHED

Napasama na ang Mindanao State University-Iligan Institute of Technology sa pinakabagong  higher education institution sa listahan ng top universities sa Asia.

Sa report ng Commission on Higher Education (CHED), kahanay na ngayon ng MSU-IIT ang University of San Carlos, Mapua University at Silliman University, na pasok sa  300 hanggang 500 QS Asia University rankings sa 2019.

Umakyat naman ng tatlong puntos ang University of the Philippines (UP) na nasa  72nd sa overall rankings.

Pasok din ang Ateneo de Manila University (ADMU) na nasa 115th place, De La Salle University (DLSU) na nasa ika-155th, at University of Santo Tomas na 162nd place. | ulat ni Rey Ferrer