MRT-3, may libreng sakay sa Araw ng Kalayaan

Magkakaloob ng libreng sakay sa lahat ng pasahero ang Department of Transportation (DOTr) – Metro Rail Transit Line-3 sa Sabado, Araw ng Kalayaan.

Ito ang inanunsyo ng pamunuan ng MRT-3 kasabay ng pagdiriwang ng buong bansa sa ika-123 taong kasarinlan.

Magsisimula ng alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ang libreng sakay.

Ngunit kahit libreng sumakay sa MRT-3, hindi pa rin daw dapat kalimutan ang minimum health protocols sa lahat ng istasyon at bagon ng mga tren.

Ang libreng sakay tuwing Araw ng Kalayaan ay taun-taon na ginagawa ng MRT-3 bilang pakikiisa ng DOTr sa kasarinlan ng bansa.