MPD, naitaboy agad ang mga raliyista sa Maynila

Halos hindi pa nakapaglalatag ng kanilang mga streamers, ay naitaboy agad ng crowd dispersal unit ng Manila Police District ang grupo ng Makabansang Alyansa.

Mula sa kanto ng Roxas Boulevard at Kalaw, pinalayo na sila patungo sa Taft Avenue sa Plaza Salamanca kung saan sila naghiwa-hiwalay na rin.

Ayon kay Roberto Bing Nabio, tagapagsalita ng Makabansang Alyansa, nais nilang isulong ang soberenya ng bansa, kailangan i-withdraw ng US government ang kanilang presensya sa West Philippine Sea sa bahagi ng mga pinagtatalunang isla.

Isinusulong din ng grupo ang pagkakaroon ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at ng China at pagkakaroon ng multilateral at 3rs party countries na walang territorial claims sa West Philippine Sea

Ayon naman kay MPD District Director Police Brig. Gen. Leo Francisco, nasa 1,500 tauhan ang kanyang ipinakalat upang matiyak ang kauyusan sa lungsod ngayong araw ng paggawa.