Motion for reconsideration sa pagbasura ng DOJ sa kasong droga ni Kerwin Espinosa at iba pang mga umano’y drug lords, inihain ng PNP

Naghain na ng motion for reconsideration ang PNP sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng dismissal ng drug charges laban sa mga suspected drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co, at ilan pang mga alleged drug personalities.

Naghain na ng motion for reconsideration ang PNP sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng dismissal ng drug charges laban sa mga suspected drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co, at ilan pang mga alleged drug personalities.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa, matapos na ibasura ng State Prosecutors ang reklamong isinampa ng CIDG laban sa mga ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Sa isang press conference sa Camp Crame, tiniyak ng PNP chief na gagawin ng PNP ang lahat ng legal remedies upang mapanagot ang mga umano’y big-time drug lords.

Batay sa reklamo ng CIDG, si Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co at ilan pang mga personalidad ay magkakasabwat sa pagpapatakbo ng pinakamalaking drug operation sa Visayas.

Si Kerwin Espinosa na anak ng napaslang na Albuera Mayor Rolando Espinosa ay una nang umamin sa harap ng Senado na siya ay involved sa distribusyon ng ilegal na droga.

Si Peter Lim naman ang umano’y Cebu-based drug King Pin na tinukoy ng Pangulo bilang pinakamalaking drug lord sa bansa.

Habang Si Peter Co ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison at umano’y kasama sa mga nagpapatakbo ng drug trade mula sa loob ng pambansang piitan. | via Leo Sarne