Mocha Uson, nag-file na ng kanyang COC

Dating Presidential Communications Operations Office (PCCO) Assistant Secretary Mocha Uson, nag-file ng kanyang COC sa COMELEC sa ilalim ng AA Kasosyo Partylist, isang partylist group ng mga magsasaka.

Ayon kay Uson, masaya siya na binigyan siya ng lugar nang Kasosyo Partylsit upang isulong ang adbokasiya na hindi lamang ng magsasaka kundi pati Overseas Filipino Workers (OFWs).

Si Uson na dati ring OFW ay nagsabing bubulabugin niya ang Kongreso para mapansin ang karapatan ng mga Overseas Filipino Workers at upang mabigyan sila ng kabuhayan at negosyo.

Nauna nang sinabi ni Uson na tatakbo siya sa May 2019 upang magkaroon ng tinig ang ordinaryong mga mamamayan. | ulat ni Janet Bayan