MMDA, sinimulan ang bagong traffic scheme sa Commonwealth Ave. at Elliptical Road

Simula ala-6 kaninang umaga nang ipatupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng bagong traffic scheme sa bahagi ng Commonwealth Avenue at Elliptical Road sa Quezon City.

Sa ilalim ng bagong traffic scheme, lahat ng Public Utility Jeepney (PUV) at UV Express patungong Fairview ay hindi na pinapayagang pumasok sa Philcoa mula sa Ellipical Circle sa halip pinakakanan na sa Maharlika Street at bahagi ng paikot ng Masaya Street palabas ng Commonwealth Ave.

Pinapayagan lamang na makapasok sa Philcoa ang mga passenger bus at pribadong sasakyan.

Bawal na rin ang magbaba at magsakay ng pasahero sa harap ng NHA, Maharlika Sreet at TUCP .

Nagtalaga na rin ang MMDA ng loading at unloading area sa entrada ng papasok ng University of the Philippine (UP) upang maiwasan na dumami ang volume ng sasakyan galing ng Masaya Street.

Layunin nito na maibsan ang traffic sa bahagi ng Philcoa at Commonwealth habang ginagawa ang paghuhukay para sa konstruksyon ng Metro Rail Transit-7. | via Rey Ferrer