MMDA, nagbabala sa mga motoristang lalabag sa ‘yellow lane policy’

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang lalabag sa yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.

Sinabi ni MMDA traffic czar “Bong” Nebrija, sa kabila aniya ng mga batikos ng mga commuter at motorista sa kanila, ipagpapatuloy parin nila ang pagpapatupad ng yellow lane policy sa EDSA.

Nito lamang nakaraang araw ay nagmistulang malaking parking area ang sitwasyon sa EDSA, dahil umano sa naturang traffic scheme.

Paliwanag ni Nebrija, ang kawalan ng disiplina ng mga motorista, partikular ng city bus drivers ang naging sanhi ng masikip na daloy ng trapiko sa EDSA.

Iginiit pa ni Nebrija, na hindi umano magiging masikip ang yellow lanes kung matututo lamang magbigayan ang mga motorista.

Plano ngayon ng MMDA na maglagay ng fence at ballers sa yellow lane sa Edsa.