Sa isinagawang pagpupulong, inaprubahan ang pagtatalaga ng non-exclusive motorcycle lanes sa Marcos Highway (Katipunan Avenue-Sumulong Highway), Roxas Boulevard (NAIA/MIA Road-Anda Circle at Elliptical Road hanggang sa Quiapo (Quezon Avenue, Espana, Lerma, at Quezon Boulevard).
Napapayag din ang MMDA ng mga alkalde na palawigin ang uniform light truck ban policy Sa Edsa at Shaw Boulevard ng ilang oras magmula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi upang maibsan ang traffic congestion sa mga nabanggit na kalsada.
Sa panghuli, inaprubahan din ang implementasyon ng ‘No Physical Contact Apprehension Policy’ (NCAP) sa panghuhuli naman ng mga sasakyan na iligal na nakaparada sa mga pangunahing lansangan.
Lumalabas sa datos ng MMDA, umabot sa mahigit 45,000 sasakyan ang nahuling may illegal parking violation noong nakaraang taon. | via Shane Juan
Photo courtesy of MMDA Facebook Page