Misamis Occidental Rep. Oaminal, positibo sa COVID-19

Sa kanyang Facebook page ay kinumpirma ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal, na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon sa mambabatas, agad siyang sumailalim sa COVID-19 swab test makaraang makaranas ng pananakit ng katawan at lagnat.

Agad naman niya itong ipinagbigay alam sa City Health Office, at sa Lokal na Pamahalaan ng Ozamiz City.

Sa ngayon, sinabi ni Oaminal, na siya ay naka-quarantine na habang ang kanyang bahay ay naka-lockdown.

Nananawagan ang mambabatas sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha, mula noong May 15, na tumugon sa contract tracing at magboluntaryong mag-quarantine.