Minorya, titiyaking masusunod ang tamang proseso ng impeachment complaint vs. Justice Leonen

Titiyakin ng Minority bloc sa Kamara na may proper procedure na susundin, para sa pagtalakay at pagpataw ng desisyon sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon kay Minority Leader Joseph Stephen Paduano, babantayan ng minorya na masusunod ng Kamara ang tamang proseso sa pagdinig ng reklamo.

Paiiralin naman ng miyembro ng minorya, ang conscience vote oras na pagbotohan ang form at substance ng reklamo.

Inirereklamo si Leonen ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust, dahil sa hindi umano paghahain ng Statement of Asset Liabilities and Networth (SALN) at delayed na pagresolba nito ng mga kaso na kanyang hinahawakan.