Minorya, pinuri ang economic managers sa pagbaba ng inflation rate

Pinapurihan ng Minority Bloc ng Kamara ang naging hakbang ng economic managers para mapababa ang inflation rate nitong Hulyo na pumalo na lamang sa 2.4%.

Ayon kay Marikina Representative Stella Marie Quimbo, natukoy at nasolusyunan ng economic managers ang presyo ng food items, na isa sa mga may malaking impact sa inflation rate.

Pinapurihan rin ni Quimbo ang 17th Congress sa pagpasa ng Rice Tariffication Act. Aniya, kung sa pagkain na rin lang, ang bigas ang pinakamahalagang food item, kaya’t malaki ang tulong ng naturang batas para mapababa ang presyo ng bigas sa merkado.

Magkagayunman, aminado si Quimbo, na kailangan pa rin alamin kung ano naman ang naging epekto ng pagpasok ng imported na bigas sa ating local farmers, at kung na-utilize ba ng tama ang inilaang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).