“Minimal damage” sa ekonomiya, sisikapin ng DOF, kasunod ng re-enacted budget sa 2019

Sisikapin ng Department of Finance (DOF) na magkakaroon lamang ng minimal damage sa ekonomiya ang pagpapatupad ng re-enacted budget para sa unang bahagi ng 2019.

Ito ang tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno matapos maantala ang pagpasa ng 2019 proposed budget sa Kongreso.

Ayon kay Diokno, aminado siyang posibleng bumagal ang magiging galaw ng ekonomiya ng bansa sa susunod na taon bunsod ng re-enacted budget.

Nilinaw naman ng kalihim na sa ngayon, hindi pa nila masabi kung gaano kalala ang full year impact nito dahil nakadepende ito kung mapapabilis ang pagpasa ng 2019 National Budget kapag bumalik na sa sesyon ang mga mambabatas sa Enero 14.

Ang worst case scenario na posibleng mangyari ayon kay Diokno, ay ang pagkawala ng libo-libong trabaho at pagtaas ng bilang ng mga mahihirap.

Subalit umaasa ang Budget secretary na hindi na nahahantong pa sa ganitong scenario ang pagkaka-antala ng b”udget para sa susunod na taon.  | ulat ni Alvin Baltazar