Mindanao media hub sa Davao, magsisilbing direktang linya ng mga taga-Mindanao kay Pangulong Duterte — SAP Go 

Mabilis nang makakarating mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan at pangangailangan mismo ng mga taga-Mindanao.

Ito ay sa pamamagitan ng inilunsad na Mindanao Media Hub sa lungsod ng Davao.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, magsisilbing direktang tulay ang Mindanao Media Hub sa pagitan ng mga taga- Mindanao at ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Napapanahon na ayon kay Go na mabigyan ng kaukulang atensiyon ang rehiyon at sa pamamagitan ng media hub ay maaari ng maisumbong sa Chief Executive ang anumang reklamo laban sa kanino mang opisyal ng gobyerno at maiparating ang kanilang pangangailangan.

Inihayag ni SAP Go na sa pamamagitan ng makabagong pasilidad ay mas mapapalakas ang ugnayan ng pamahalaan  at mga taga- Mindanao tungo sa tinatawag na nation building. | via Alvin Baltazar