MinDA, iikot sa mga probinsiya sa Mindanao malapit sa Pacific Ocean

Nakatakdang bisitahin ng Mindanao Development Authority (MinDA) ang tinaguriang Pacific Rim Region simula bukas, para makipagdiyalogo sa mga opisyal ng bawat probinsya.

Sa isang pahayag, sinabi ni MinDA Secretary Manny Piñol, na nais niyang malaman ang pangangailangan ng mga tao na nakatira malapit sa baybayin ng Pacific Ocean na madalas nadadaanan ng bagyo.

Sisimulan ni Piñol ang kanyang diyalogo sa Davao Oriental bukas at matatapos ito sa Surigao City.

Dadalhin umano ng ahensya ang mga programa ng gobyerno, tulad ng SURE loan program, PLEA loan, the Solar-Powered Irrigation System (SPIS), FB Pagbabago Fishing Boat Program at ang TienDA.