Mga unang nabakunahan, mababakunahan ng 2nd dose — Manila LGU

Tiniyak ng Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Maynila, na matatanggap ng mga unang nabakunahan ang kanilang second dose vaccine ng COVID-19.

Sinabi ni Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso, na huwag mangamba na sila ay hindi mababakunahan ng second dose, dahil ang Manila Health Department ay naitabi ang mga vial ng bakuna para sa pangalawang dose.

Sa tala ng MHD, sa kasalukuyan ay halos 60,801 na ang nabakunahan

Ang mga bakuna tulad ng Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac, ay kasalukuyang nakaimbak sa Manila COVID-19 vaccine storage facility sa Sta. Ana Hospital, upang mapanatili ang kinakailangang temperatura nito bago ang pag-deploy