Mga tinamaan ng mild cases ng COVID-19, 5 araw na mas mabilis maka-recover sa sakit dahil sa virgin coconut oil base sa iniulat na report kay Pres. Duterte ng DOST

Limang araw na mas mabilis na maka-recover mula sa coronavirus ang isang indibidwal na tinamaan ng mild symptoms ng COVID-19 na mabibigyan ng virgin coconut oil.

Ito ang iniulat kay Pangulong Rodrigo Duterte ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Pena base na din aniya sa ikinasa nilang pagsusuri na vitro-trial.

Sinabi ni Dela Pena na lumabas sa pagsasaliksik na may anti-viral properties ang VCO at may epekto sa SARS-CoV-2 patient na may tinataglay na mild symptoms.

Isinagawa ayon sa alihim ang in vitro trial sa isang laboratoryo sa Singapore.

Idinagdag ni Dela Pena na mayroon din silang isinasagawang trial para naman sa melatonin sa Manila Doctors Hospital. 

Ang paggamit ng high dose melatonin paliwanag ni Dela Pena ay para sa posibilidad na hindi na umabot pa ang isang pasyente na ma-intubate o umasa sa mechanical ventilation.