Mga tauhan ng HPG, balik EDSA

May 170 Highway Patrol Group (HPG) personnel, 20 mobile cars at 36 HPG motorcycles ang idineploy sa EDSA, bilang bahagi ng pinalakas na “police visibility” sa pangunahing daanan.

Ito ang inihayag ng bagong HPG Director, na si Brig. Gen. Eliseo Cruz, kasabay ng pagsabi na bukod sa pagbabantay sa krimen, tutulong din sa pagmamando ng trapiko ang naturang HPG personnel.

Una rito ay inalis sa EDSA ang HPG para matutukan ang mga vehicle-related crime.

Ayon kay Bgen Cruz, napatunayan na ng karanasan na naging epektibo ang HPG sa pagtulong sa pagmamando ng trapiko sa EDSA, at nakabawas din ng ilang minutong travel time.

Puna aniya ng ilan na mas nirerespeto ng mga motorista ang mga pulis kaysa mga traffic enforcer kaya mas nasusunod ang mga batas trapiko.