Mga tanggapan ng LTO sa Metro Manila at kalapit lalawigan, balik operasyon na bukas

Balik-operasyon na ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region at mga kalapit lalawigan bukas,Mayo 3.

Partikular dito ang tanggapan ng LTO Central Office at mga sangay nito sa Bulacan,

Cavite, Laguna at Rizal.

Pero sa abiso ng LTO, mananatili pa ring skeletal at shifting assignments ang magiging trabaho ng mga empleyado. Maka-ilang beses nang isinara ang operasyon ng LTO dahil sa decontamination at disinfection at nitong huli ay dahil sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine sa NCR Plus bubble.